60% ng 2013 national budget inilaan sa edukasyon, public health

butch-abad

IPINAHAYAG ng Malakanyang na malaking bahagi ng budget para sa 2013 ay mapupunta sa edukasyon at public health.

Ayon sa ulat ni Budget Secretary Butch Abad, 60% ng kabuuang budget ay nakalaan sa social services-kabilang ang edukasyon at public health.

Umaabot naman sa P260 bilyon ang inilaan para sa edukasyon na gagamitin pantapal sa kakulangan sa mga silid aralan, teachers at iba pang kakailanganin para sa full implementation ng “K to 12 Program”.

Sinabi ni Abad na dahil sa pagkakasabatas ng Sin Tax Reform Law, tumaas ng 145% ang budget ng Department of Health. (DOH).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply