60 toneladang smuggled poultry meat, winasak ng BOC

peking-duck

WINASAK ng Bureau of Customs (BoC) ang 60 tonelada ng mga smuggled na poultry meat na nagkakahalaga ng P40 milyon sa First Link Container Yard sa Manila North Harbour.

Ayon sa BoC ang mga karne ay kinabibilangan ng mga frozen peking duck, pigeons at piglets.

Ang mga kargamento na galing ng China ay nauna nang sinamsam ng BOC noong Oktubre makaraang madiskubre na misdeclared ang mga ito at ikinarga sa likuran ng mga kahon ng frozen mackerel sa loob ng dalawang 40-footer refrigerated vans.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga frozen poultry at meat products galing sa China para maiwasan ang pagpasok sa bansa ng bird flu virus.

Nakapangalan bilang consignee ng kargamento ang HEXA Trading.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply