6,000 pasahero stranded sa bagyong Quinta

UMABOT na sa 6,000 ang stranded na pasahero ng mga barko sa mga pantalan sa Luzon at Visayas dahil sa bagyong Quinta.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ilang biyahe na rin ang kanilang pinigilan sa Mindanao upang makaiwas sa anumang aberya sa karagatan sa pananalasa ng bago.

Karamihan sa mga pasaherong stranded ay hahabol sana sa pagdiriwang ng bagong taon sa kani-kanilang lugar.

Uminit naman ang ulo ng ilang pasahero dahil nasayang lamang ang kanilang vacation leave sa trabaho dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakaalis sa mga pamtalan patungo sa kani-kanilang destinasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply