7-anyos babae, ginahasa saka binigti sa Cavite

CAVITE –  Nasindak ang mga residente ng lalawigang ito nang makita ang bangkay ng 7-anyos na babae na walang saplot at hinihinalang hinalay muna bago binigti at itinapon sa madamong bahagi ng gilid ng kalsada sa Kawit, Cavite kaninang umaga.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na nakitang may tali pa ng lubid ang leeg at tadtad  ng sugat sa mukha habang  nang saplot.

Sa imbestigasyon ni PO2 Gabriel Gonzales, may hawak ng kaso, alas 7:15 ng umaga nang matagpuan ang walang buhay na biktima sa road side at madamong bahagi ng Village Congbalay, Kawit Cavite.

Halos hindi na makilala ang mukha ng bata sa dami ng mga sugat sa mukha na hinihinalang nakaranas ng matinding paghihirap sa kamay ng suspek dahil wala na ring saplot sa katawan ang biktima na puno ng latay.

Nakipag-coordinate naman ang Kawit police sa lahat ng police station at katabing barangay at bayan kung may inuulat na nawawalang bata sa kanilang lugar.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow-up ang pulisya hinggil sa naganap na karumal-dumal na pagpatay sa nasabing bata habang hindi naman inaalis ang anggulo na posibleng wala sa katinuan ang suspek na gumawa ng krimen na hinihinalang nasa impluwensya ng droga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply