7 impormante tumanggap ng P3.8-M pabuya sa PDEA

PDEA-2

TUMATAGINTING na P3.8 milyong cash ang tinanggap na pabuya ng pitong impormante ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa simpleng seremonya na iginawad kahapon ng umaga sa national headquarter sa Quezon City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang pitong impormante sa kanilang codenames: Marlyn, Darla, Hang Ten, Kinchay, Nike, Bruno at Dies, na nagbunga ng matagumpay na pagsalakay laban sa clandestine shabu laboratories, mga pag-aresto sa mga interdiction operations, at pagkumpiska ng maraming bulto ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, at cocaine.

Ang nasabing paggawad ng pabuya ay kaugnay pa rin sa programang Operation “Private Eye” (OPE), na idinisenyo na hinihikayat dito ang aktibong partisipasyon ng mamamayan sa pagbibigay ng mga impormasyon laban sa illegal drug activities sa kanilang mga komunidad pero sinisiguro naman dito na hindi ibubunyag ang kanilang mga pagkakakilanlan.

Ayon pa kay Cacdac  ang  Operation “Private Eye” Rewards Committee (OPERC), kung saan siya ang chairman, ay binubuo ng mga miyembro galing sa academe, non-government organizations, law enforcement, religious at business sectors, has na inaprubahan ang isang resolution para sa kabuuang  P3,844,673.08 monetary rewards para sa pitong impormante .

Tumanggap ng pinakamalaking pabuya na P1.2 million ang impormanteng si “Dies” na siyang nakadiskubre ng medium scale clandestine laboratory, pagkasamsam ng shabu at maraming controlled precursor at essential chemicals (CPECs) at pagkahuli sa limang suspek sa isinagawang pagsalakay sa Paranaque City noong August 2012.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply