71 anyos na hukom binigyan ng judicial clemency ng SC

PINAGKALOOBAN ng judicial clemency ang 71 anyos na dating hukom na unang ginawarang ng habambuhay na disqualification sa serbisyo.

Sa resolution ng Supreme Court en banc,  ang pagkakaloob ng judicial clemency kay Judge Hermin E. Arceo ng San Fernando Pampanga RTC Branch 43  ay dahil sa ginawang pagbabago.

Batay sa sinulat na resolution ni Justice Estela M. Perlas-Bernabe,  maaari nang makabalik sa government service si Judge Arceo kasama na rito ang mga GOCC o Government-Owned and Controlled Corporations.

Ang Fiscal Management and Budget Office ay inatasan na rin ng SC na kuwentahin ang mga leave credit ng hukom at ibigay na kay Judge Arceo.

Noong 1996, sinibak ng SC si Judge Arceo dahil sa gross misconduct and immorality alinsunod sa reklamo ni Atty. Jocelyn C. Talens-Dabon, dating Clerk of Court ng San Fernando, Pampanga RTC. Noong nakaraang October 2012,  umapela ang hukom sa SC para pagkalooban siya ng judicial clemency.

“The Court, in granting judicial clemency to Arceo, held that he has sufficiently shown his remorse and reformation after his dismissal from the service. It ruled that while Arceo, at 71, had already reached retirement age and can no longer be eligible for regular employment in the public service, “it cannot be doubted that he could still be of service to the government in some other capacity” considering his achievements and mental aptitude”, sabi ng SC.

Binigyang merito rin ng SC ang ginawa ni Judge Arceo na nang matanggal sa serbisyo ay nagpatuloy ng law practice at karamihan sa mga tinutulungan ay mga mahihirap na walang pambayad.

Naghain din si Judge Arceo ng Certificate of Good Moral Character mula sa Executive Judge ng Malolos City RTC, Certificate of Favorable Endorsement mula sa Integrated Bar of the Philippines Bulacan Chapter President na nagpapatunay ng pagbabago ng hukom.

Si Judge Arceo ay pinagkalooban din ng Gawad Bunying Abogadong Bulakenyo last year.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply