7,300 barangay pinasok na ng iligal na droga

IPINAHAYAG ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na
napasok na ng iligal na droga ang 18 percent o nasa halos 7,300 ng
kabuang 42,025 barangay sa buong bansa.

Ayon kay PDEA director general Undersecretary Arturo Cacdac Jr., ang
ulat ay batay sa kanilang isinagawang monitoring at mga impormasyon
nakalap katuwang ang ibang law enforcement agencies.

Sinabi ni  Cacdac na sa 7,372 na mga barangay ay may mga residenteng
gumagawa, gumagamit o nagtutulak ng illegal drugs.

Sinabi pa ng PDEA chief, 30.7 percent ng mga barangay sa bansa ang
itinuturing na slightly affected; 61.6 porsiyento ang moderately
affected at 7.7 porsiyento ang seriously affected.

Paglilinaw ni Cacdac, may tatlong parameters sa pagtukoy kung gaano
ka-apektado ng droga ang isang barangay.

Slightly affected kung may kilalang gumagamit na iligal na droga sa
isang komunidad pero walang kilalang nagtutulak; moderately affected
kung may isa o higit pang pinaghihinalaang drug pusher sa lugar; at
seriously affected kung may isa o higit pang drug laboratory, den,
dive o resort sa isang barangay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply