8 bayan sa Aklan nasa state of calamity

aklan

INILAGAY sa state of calamity ang walong bayan sa Aklan bunsod pa rin ng pinsalang idinulot ng bagyong Quinta.

Nasa ilalim ng state of calamity ang mga bayan ng Libacao, Madalag, Banga, Kalibo, Numancia, Lezo, Malinao, at ang Ibajay.

Nabatid na umabot na sa P209.8 million ang partial damage sa agrikultura ayon sa inilabas na datos ng Office of the Provincial Agriculture kung saan matinding napinsala ang mga gulay, palay, at mais.

Kasalukuyan namang inaalam pa ang damage report sa imprastraktura, aqua culture at livestock.

Samantala, dalawa ang naitatalang nasawi habang wala pa ring naitalang nawawala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply