8 bilanggo binigyan ng executive clemency

WALONG may edad na bilanggo ang pinagkalooban ng Pangulong Benigno Aquino III ng executive clemency noong Disyembre 21.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, sa walong bilanggo, anim ang pinagkalooban ng conditional pardon with parole conditions.

Ito’y kinabibilangan nina Agustin Caballero,71 anyos; Nicanor Medel, 72; Clarita Miranda, 71; Pablito Estrada, 73; Felipe Gahit, 72; at Venerando Generalo, 83.

Kabilang sa kundisyon ng pagpapalaya ang hindi pagkakasangkot sa bisyo at pag-iwas sa mga lugar o tao na may kwestyunableng character at hindi pagkakasangkot sa anumang krimen.

Sakaling magkaroon ng paglabag sa kundisyon, pagsisilbihan ng mga ito ang buong hatol na pagkakakulong.

Binigyan nanan ng commutation o pagpapaikli ng hatol na pagkakakulong sina Aurelio Amolong, at Celerino Sanchez.

Pinalaya na noong Disyembre 22, ang 5 sa 6 na binigyan ng conditional pardon habang ipinagpaliban ang paglaya ng 1 dahil hinihintay pa ang barko na magdadala sa kanyang destinasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply