8 pulis na nag-positibo sa shabu, sinibak

DAHIL sa kinasasangkutang kasong grave- misdunduct, nilabas na ng Police Regional Office (PRO-9) ang panibagong order for dismissal laban sa walong mga miyembro ng Philippine National Poloce (PNP) kabilang ang isang opisyal matapos magpositibo sa methamphetamine drug o ang paggamit ng shabu.

Ayon kay deputy police regional director (PRO-9) C/Supt. Mario Yanga, isinagawa ang random drug testing examination noong nakaraang buwan at ang walong pulis ay lumabas na positibo sa resulta.

Kabilang sa mga sinibak sa puwesto ay si C/Insp. Abdelmunim Hassan na graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA) at si P01 Muammar Abbas na kapwa naka-talaga sa Regional Public Safety Battalion (RPSB-9).

Habang ang isa pang may ranggong PO2 at limang PO1 naman ay naka-assign sa Zamboanga del Norte Police Provincial Office (ZDNPPO).

Maliban sa kanila, marami na rin sa mga pulis ang sinibak sa puwesto sa ilalim ng PRO-9 ilang buwan na ang nakakaraan dahil pa rin sa pagiging positibo sa paggamit ng shabu.

Sinabi ni Yanga, pagkalabas pa lamang ng resulta, ang Regional Personnel Division (RPD) ng PRO-9 ay kaagad nagpapadala ng sulat sa naturang mga pulis at inuutusan silang magsumite ng written explanation kung bakit naging positibo sila sa paggamit ng shabu.

Subalit, nilinaw ni Yanga na ang naturang hakbang ay parte lamang ng proseso, pero sa pagpasok pa lamang umano ng mga nito sa organisasyon ay alam na nila na sa oras na maging positibo sila sa ipinagbabawal na gamot ay tanggal sa puwesto ang parusa na haharapin nila.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Yanga na hindi pa rin nila inaalis ang karapatan ng mga sinibak na pulis na magsumite ng appeal sa korte kung ibig nilang magkaroon ng panibagong imbestigasyon sa pagkasibak sa kanila sa puwesto.

Pinaalahanan naman ni Yanga ang mga nasa hanay ng PNP na ingatan ang kanilang pagiging pulis at huwag hayaang maging parte ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot dahil isa umano ito sa pinakamalaking pagkakamali na hindi dapat gawin ng isang pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply