3 sasakyan nagkarambola sa Edsa tunnel, 8 sugatan

WALO katao ang nasugatan nang magkarambola ang dalawang pampasaherong bus at isang kotse sa isang underpass tunnel sa Quezon City kaninang umaga (Disyembre 3).

Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng iba’t ibang kapansanan sa ulo at katawan ang mga hindi nakuhang pangalan ng mga biktima kabilang ang hindi nakikilalang tsuper ng Santrans bus lines.

Ipapatawag naman agad ni Metro Manila Development Authority MMDA chairman Atty. Francis Tolentino ang operator ng Santrans bus lines at BLTB bus na may plakang (TXY-997) dahil bawal dumaan ang mga pampublikong bus sa nasabing underpass tunnel.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng umaga sa southbound lane ng Edsa-Tuazon underpass.

Sa imbestigasyon ng MMDA traffic enforcers, bago ang insidente ay tinatahak ng Santrans bus lines ang southbound lane ng Edsa-Tuazon underpass nang banggain nito ang center island matapos iwasan ang isang sasakyan.

Sa hindi inaaasahang pangyayari, pumasok ang naturang bus sa kabilang kalsada o northbound lane ng Edsa at sinuwag ang paparating ng BLTB bus at isang kulay itim na Toyota Corolla Altis (PLI-796) na minamaneho ng isang Geranio Cuevas na nagtamo rin ng kapansanan sa katawan.

Dahil nakahambalang ang tatlong nagbanggaang saksakyan, nagdulot ng masikip na daloy ng trapiko sa Edsa’s northbound lane.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply