88 driver nahuli sa unang araw ng bus segregation scheme

bus-segregation

UMABOT sa kabuuang bilang na 88 bus driver ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na lumabag sa unang araw ng implementasyon ng bus segregation scheme kahapon.

Ayon kay MMDA Traffic Discipline Unit Head Yves Gonzales, 14 sa mga ito ay nahuli dahil sa kawalan ng tamang sticker habang ang 74 ay nahuling nagsasakay at nagbababa ng pasahero sa hindi tamang bus stops.

Sa ilalim ng “bus segregation scheme”, minarkahan ng “A” at “B” ang mga bus at maaari lamang makapagsakay at magbaba ang mga ito ng pasahero sa mga itinalagang bus stops para sa kanila.

Layunin nito na maibsan ang traffic sa kahabaan ng EDSA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply