9 mediamen kinilala ng Bright Leaf Agri Journalism

lily's-files-lily-reyes

SIYAM na mamamahayag mula sa  print at tv ang binigyan ng parangal kaugnay sa ginanap na 6th  Bright Leaf Agricultural Journalism Award  bilang pagkilala  sa kanilang naiambag para ma-promote ang agrikultura sa bansa.

Ang award night na ginanap  sa Hyatt Hotel sa Maynila ay naging makabuluhan lalo na sa siyam na  mga mamamahayag na nabigyan ng awards dahil bukod sa mga certificate ay may mga natanggap din silang cash prize.

Taong  2007 nang simulan  ng  Bright Leaf ang pagkilala at pagbibigay ng mga natatanging award  sa mga natatanging mamamahayag  sa buong bansa na nag-ambag ng kanilang mga report tungkol sa agrikultura at sa tobacco industry.

Bilang isang mamamahayag ay taos-puso akong  bumabati  sa lahat ng mga nanalo at nagkamit ng award mula sa iba’t ibang pahayagan, kasabay ng pasasalamat sa pamunuan ng PMFTCinc. dahil sa pagkilala nila at pagpapahalaga sa mga mamamahayag.

Sa ikatlong magkasunod na taon ay muling nakuha ng pahayagang Business Mirror ang Agriculture Story of the Year dahil sa pagkakalathala ng  “The Convent Gardens; Nuns  as Urban Farmers” na sinulat ni  Marilou  Guib. Nasungkit naman ni  SunStar’s  Mauricio Victa  ang  “Tobacco Story of the Year” sa kanyang sinulat na “Sunset to Sunrise.” Sina Guib at Victa ay kapuwa nakatanggap ng tig-P50,000 na cash, tig-isang iPad, trophy at Asian Agricultual Trip.

Ang iba pang tumanggap ng  Bright Leaf Awards ay sina Richard T. Balonglong, ng Philippine Daily Inquirer para sa Agriculture  Photo of the Year para sa kanyang larawang pinamagatang   “Strawberry  Fields Forever”; Leoncio Balbin, Jr., ng The Candon Times, para sa Tobacco Photo of the Year para sa kanyang larawang pinamagatang “Hanging Thoughts”; Flordeliza Agoot, ng Business Mirror, Best Agriculture Story-National for “LT Norte Low Strawberry Production Due to Climate change”;  Harley  Palangchao, Baguio Midland Courier, Best Agriculture Story – Regional  for  “ Veggie Farms Destroy Hectaresof Mossy Forest in Mt. Data;  Gabriel Cardinoza, Philippine Daily Inquirer, Best Agriculture Feature Story-National for “Weather-proof Fish Cage Seen as Saviour of Agriculture Industry”; Xenia Socorro B. Jamemro, Katuwang (Official Magazine of National Irrigation Administration Region 6), best Agriculture Feature Story-Regional for  “Oasis…A Farmer’s Response Towards Food Security”; at Inez Magbual, Maunlad na Agrikultura ng TV-5, Best Agriculture TV and radio program/segment para sa “Goat Raising”.

Ang mga natatanging award ay ipinag kaloob mismo ng  Pangulo ng PMFTCinc. na si Chris Nelson, kasama si  Zambales  Rep.  Mitos Magsaysay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply