92% ng mga barangay sa Metro Manila may droga

lily's-files-lily-reyes

NOONG nakalipas na linggo ay nagpalabas ng news releases ang  Philippine Drug Enforcement Agency ukol sa droga at 18% umano ng  mga barangay sa buong Pilipinas ang drug affected at ang nakababahala rito ay ang Metro Manila na may 92% sa mga barangay nito ang drug affected.

Sa statistics na ipinalabas ng PDEA kaugnay sa mga  drug  affected barangay ay lumalabas na ang  Metro Manila ang may pinakamaraming bilang ng barangay na apektado ng droga.

Ang Metro Manila ay may 1,764 na barangay, 92%  o  1,623 rito ang sinasabi ng PDEA na drug affected, at ito ay  lubhang nakababahala dahil ang ibig sabihin nito  ay 141 barangay lang ang  hindi  napasok ng droga sa National Capital Region.

Sumusunod sa NCR ang Region 4-A kung saan sa 3,957 na barangay ay 1, 310 barangay lang ang  drug affected at ang natitirang 2,647 na barangay ay hindi apektado.

Pumapangatlo rito ang Region 3 na may 17% o  639 barangay lang ang napasok ng droga.

Ang nakapagtataka rito ay ang dami ng mga apektadong barangay sa  NCR gayung nandito ang punong tanggapan ng PDEA, Philippine National Police, Department of Justice at  ang tanggapan ng Pangulo.

Ang ibig bang sabihin nito ay ganun kainutil ang ating mga  law enforcer sa National Capital Region at ano ang ginagawa rito ng PDEA na lead agency laban sa droga.

Attention, PDEA Director General, Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr.: sirs, hindi ba kayo nababahala sa dami ng mga barangay na  apektado ng droga rito sa Kalakhang Maynila?

Aba dapat ngayon ninyo ipakita na hindi lamang kayo  inilagay riyan sa PDEA para maging dekorasyon ng ahensiya.

Patunayan ninyo na kayo ang karapat-dapat na mamuno ng PDEA.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa  09155683000  at  09087230036  o kaya ay mag-email lamang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply