A motoring Christmas

inside motoring

UUNAHAN ko na po kayo sa pagbati ng Maligayang Pasko! Sana’y manatili tayong masagana at malayo sa anumang uri ng kapahamakan hanggang sa susunod na taon. Noong nakaraang Linggo ay nagbigay ako ng kaunting tips sa ating mga motorista at commuter upang makapaghanda sa “Christmas rush.” Sana’y nakatulong ang mga ito.

Para sa araw na ito ay gusto kong magpasalamat sa mga tao sa automotive industry na patuloy ang pagbigay ng kasiyahan tuwing kapaskuhan sa inyong lingkod at pati na rin sa mga nangangailangan. Isa sa mga dinaluhan kong mga media Christmas party ay sa Nissan Motor Philippines Inc. Salamat kay pangulong Allen Chen, VP Val de Leon, Lee Junia, at Karla Tecson. Maraming salamat rin kay Chairman Emeritus Richard Lee, Vice Chairman Edward Go, CEO Fe Perez-Agudo, Paeng Batuigas, at Rich Manalad ng Hundi Asia Resources Inc. (HARI) para sa napakagandang konsiyerto na hinandog niyo sa amin. Toyota Motor Philippines sa pangunguna ni pangulong Michinobu Sugata, VP Yuji Goto, Raymund Rodriguez, Dax Avenido, Tonyo Silva, at Miko Hernandez. At para sa ibang hindi ko napuntahan ay humuhingi po ako ng paumanhin dahil sa mga sabay-sabay na mga pagtitipon nitong mga nakaraang linggo.

Salamat rin sa mga tumulong para sa taunang Christmas party ng Stoplight TV at ng pahayagang ito tulad nila Monster Energy Country Manager Marvin Herrera, Ford Group Phils. AVP-Communications Anika Salceda, Tonyo Silva ng Toyota Motor Philippines, Kat Lanot ng Honda Cars Phils. Inc., Je Borromeo ng Suzuki Philippines, Pilipinas Shell Fuels Brand Manager Vanessa Ejercito, Paeng Batuigs ng HARI, at si Autohub Group big boss Willy Tee Ten.

Naiba naman ang ginawa ng dalawang automotive company. Ang The Covenant Car Company Inc. (TCCI) o Chevrolet Philippines at ang Wurth Philippines, isang kompanya ng automotive tools at mga lubricant ay nagkaisa upang magbigay tulong at kasiyhahan sa isang barrio sa San Mateo, Rizal na hanggang sa panahong ito ay walang kuryente. Sila’y sumuporta sa isang kaganapang “The Gift of Light Ride” ng All Terra Cyclery ni Edmund Mangaser. Bagama’t cycling shop ang negosyo ni Mangaser ay matagal na rin siyang sumusuporta sa mga motoring event kaya naman agad rin siyang sinuportahan ng TCCI at Wurth. Kasama ang mga mountain-bike enthusiast ay nagtungo sila sa Pintong Bukawe upang magbigay ng maagang pamasko sa mga residente lalo na sa mga kabataan. “Chevrolet cars are for everyday heroes, and we applaud and support such endeavors that aim to make a positive difference in the lives of the people of Pintong Bukawe,” ayon kay TCCI Marketing Director Lyn Buena. Dagdag naman ni Wurth Philippines Managing Director Ariel de Jesus, “This is just sort of a Christmas dry run. We will do something bigger in January.” Saludo ako sa inyo!

Ganyan po sa ating motoring industry dito sa Pilipinas. Hindi lang puro benta. Nagkakaisa at nagtutulungan.

*****

Maraming salamat sa mag-asawang JP at Jeanette Tuason sa isang masayang pagtitipon muli sa kanilang tahanan kagabi. Maligayang Bati naman kay Joanne Ganac ng Honda Cars Makati Inc. at Awel Pasicolan!

*****

Iniimbitahan ko po kayong makinig sa inyong lingkod tuwing Martes at Huwebes, 2:00 p.m. para sa INSIDE MOTORING RADIO sa DZRJ 810khz AM. Inaanyayahan ko rin kayong tangkilikin ang mga programang STOPLIGHT TV at INSIDE MOTORING TV na mapapanood sa PINOY EXTREME CHANNEL sa buong kapuluan at sa ABS-CBN The Filipino Channel (TFC) Global sa ibang parte ng mundo. Sa Kalakhang Maynila, ang Pinoy Extreme ay nasa Destiny cable ch. 83, Cablelink ch. 55 at G-Sat ch. 7. Mapapanood rin ito sa iba’t ibang mga cable operator nationwide. Kung may mga katanungan hinggil sa mga isyung motoring, motorsports at transportasyon, wag mag-atubili na makibahagi sa www.facebook.com/InsideMotoring o di kaya’y magtext sa 0918-4479006. Salamat po!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply