‘A safe Twinville’ at tax amnesty sa Marikina

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

Congratulations sa Team “A Safe Twinville” sa mandato na ibinigay ng komunidad at mga residente nito para muling gawing ligtas at kaaya-aya ang Twinville.  Ang Twinville, na nasa Bgy. Concepcion Uno at Nangka, ay isang middle class subdivision na may 500 pamilya.

Hangad ng Team AST na maging “model community where residents can walk the streets safely once again.”

Abangan ninyo ang mga gagawin nating kakaiba sa Twinville sa tulong ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Del R. De Guzman, ng opisina ni Cong. Miro Quimbo, ni Atty. Antonio M. Bernardo CEO ng HLURB, at iba pang ahensiya ng national government.

Ibalik natin ang security guards, itayo natin ang sampung gates, at paghandaan natin ang susunod na baha, at marami pang iba. Panahon na para makiisa at magmalasakit muli!

Tax Amnesty. Matutuwa si Victor Buenaseda ng Buenacom sa balitang ito ni Mayor Del na amnesty para sa mga ipinataw na multa at interes sa Real Property Tax o amilyar para sa mga residente at negosyante ng Marikina. Nakasaad ito sa Ordinansa Bilang 65, Serye ng 2012 o “Ordinance granting relief on interests and penalties to delinquent real property taxpayers in the city of Marikina and the availment of 50% reduction on real property tax for the year 2013.”

Ang amnestiya sa amilyar ay nagsimula noong ika-19 ng Nobyembre 2012 at magtatapos sa ika-31 ng Marso 2013 kung kaya’t hinihimok ni De Guzman na samantalahin ang ibinibigay na amnestiya upang makapagbayad ng buwis at maiwasan ang public auction.

“Inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Marikina na sa pamamagitan ng ordinansang ito, marami sa ating mga residente ang magbabayad ng kanilang mga bayarin o kakulangan sa buwis sa tamang oras upang maiwasan ang anomang interes o multa sa hinaharap,” wika ni Mayor Del de Guzman.

Bukod dito, ang mga residenteng nakapagbayad na ng kanilang kakulangan o nakapag-update na ng kanilang bayarin sa buwis ay maaaring makatanggap ng 50% discount para sa kanilang buwis sa 2013.

Ang 50% kabawasan sa real property tax ay alinsunod sa ipinasang Ordinansa Bilang 88, Serye ng 2010 bilang tulong ng lokal na pamahalaan ng Marikina sa mga residente dahil sa pagsalanta ng Bagyong Ondoy noong 2009.

Para sa iba pang impormasyon hinggil sa amnestiya sa buwis at 50% kabawasan sa Real Property Tax, maaaring makipag-ugnayan sa City Treasury Office sa numero bilang (02) 646-1623, 646-6453, at 646-6454, o bumisita sa tanggapang ito sa 1/F Marikina City Hall, Brgy. Sta. Elena, Marikina City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply