Abangan

inton

PUMASA na ang RH bill sa Kongreso. Isang emosyonal daw na proseso na inabangan at tinutukan ng maraming Filipino. Nahati raw ang bayan.

Pero naniniwala ako na hindi dahil nahati tayo kundi dahil ngayon lang napag-usapan ng harapan at bulgaran ang isang isyu na hindi natin akalain na mahihimay nang todo, ang Reproductive Health. Kaya naman nakita natin ang iba’t ibang violent ractions ika nga.

Mga pari at mga madre rin mismo ay nagbantay sa Kongreso.

Pero pagkatapos ng lahat, naipasa na nga. Move na ba kaya? Mukhang hindi pa. Next na laban ay sa Supreme Court. Sigurado na ang mga anti-RH ay magsasampa ng kaso sa Supreme Court para kontrahin ang RH bill at kwestyunin ang Constitutionality ng RH law.

Ang unang hakbang na gagawin ng mga natalong anti-RH advocates  ay humingi ng temporary restraining order o TRO para hindi muna ma-implement ang batas na ito.

Noong nasa Konseho pa ako ng Quezon City bilang Majority Floor leader may naging karanasan na kami tungkol dito. Ang QC Vice Mayor at Council presider pa noon ay si Herbert Bautista na Mayor na nga ngayon at Mayor naman noon si Speaker Sonny Belmonte. Sa liderato namin ay ipinasa ang QC Population Management Policy na version ng Konseho ng RH Bill.

Tinangka rin na i-challenge ang ordinansa ng mga kalaban namin at kontra nga rito. Hindi madali ang pinagdaanan namin para maipasa ang isang ordinansa na sa palagay ng ilan ay kontra sa paniniwala ng Catholic church.

Hindi ako nagulat sa balita na tatakbo nga sa Supreme Court ang mga anti-RH. Kaya sa tingin ko ay ‘di pa natutuyo ang tinta ng ballpen na ginamit ni PNoy sa pagpirma ng RH bill ay handa na ang Simbahang Katoliko at Anti-RH na mag-file ng petition challenging the constitutionality of the RH law.

Ito ang pinakamatinding hamon ng isang devoted Catholic na si Chief Justice Sereno at justices ng Supreme Court. Hindi na lang basta boto ang magiging basehan at magiging konsiderasyon dito kundi kunsensya siguro, personal na paniniwala at personal na paninindigan.

Ang sabi naman ng mga pro-RH hindi dapat personal ang angkla kundi kung ano ang makabubuti sa bayan at makatutulong sa Filipino. Abangan ang susunod na kabanata sa isyung ito. Email me at ariel.inton@gmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply