ABS-CBN humakot sa 2012 Araw Values Awards

araw-values-award

TALAGA namang waging-wagi ang ABS-CBN sa katatapos na 2012 Araw Values Awards matapos masungkit ang anim na recognition.

Kabilang dito ang Platinum award para sa Philippine tourism music video na “Piliin Mo ang Pilipinas” na pinrodyus ng ABS-CBN Regional Network Group.

Ang nasabing tourism song ay kinanta ni Angeline Quinto habang ang music video nito ay nagpapakita sa kakaibang husay at talento ng El Gamma Penumbra.

Bukod dito, nanalo rin ang “BMPM Tayo Na” ng Silver award (para sa kategoryang Commitment to Truth, Honesty, and Integrity). Silver award din ang nasungkit ng “Pagbangon: Traffic Enforcer” para sa kategoryang Respect for Law and Authority and the Promotion of Self-Discipline.

Bronze award naman ang nakuha ng “Pinoy Summer Da Best Forever” para sa kategoryang Love of Country and Respect for National Customs at Traditions.

Nakabingwit din ng Bronze award ang “Pagbangon: Kapatid” para sa Respect and Care for Human Life and Dignity and the Rights of All; at “Mural” para sa Concern for and Preservation of Environment.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply