ABS-CBN mas pipiliin ni Dennis Trillo over TV5?

dennis-trillo

ISANG taon na lang ang nalalabi sa kontrata ng Kapuso hunk actor na si Dennis Trillo sa GMa-7.

Sa isang panayam tinanong ang aktor tungkol sa paglipat sa ibang istasyon. Tanong kay Dennis: Paano kung ilipat siya ng kanyang manager na si Popy Caritativo sa TV5 o ibalik siya sa ABS-CBN? Sagot ng aktor, “Okay lang sa akin… siguro mas pipiliin ko, ABS.”

Gayunman sinabi ng aktor na marami pang pwedeng mangyari sa loob ng isang taon.

“After ng contract na yun, siyempre may mga negotiations, e. So, hindi ko pa alam.

“Marami pang puwedeng mangyari sa isang taon, so tingnan na lang natin,” wika ng aktor.

Nang tanungin naman si Dennis kung bakit mas gusto niya sa Dos kaysa sa TV5 kung saan mas malaki ang offer (TF).

Sagot naman ng guwapong aktor na iisipin niya ang “mileage” niya bilang artista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply