Absentee voting for media, lusot na sa Bicam

koko-pimentel

RATIPIKASYON at lagda na lamang ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino ang kulang upang tuluyang maging ganap na batas ang Local Absentee Voting for Media, o ang panukalang batas na magbibigay ng pagkakataon sa mga kagawad ng media na makapagboto ng mas maaga bago ang halalan.

Ito ay matapos na pagtibayin sa Bicameral Conference Committee ang naturang panukala kanina.

Ayon kay Senate committee on electoral reforms and people’s participation chairman Sen. Koko Pimentel, papayagan ang mga kagawad ng media, kabilang na ang technical support staff na bumoto dalawang linggo bago ang halalan.

Pero bago ang nakatakdang pagboto, dapat magpa-acredit muna sa Comelec ang media practitioner para makinabang sa Local Absentee Voting.

Gayunman, tanging national positions lamang ang maaring pagbotohan ng accredited media practitioner na gustong mag-avail ng local absentee voting.

Bagamat mayroon siyang option na bomoto ng local candidates kung siya ay regular na boboto sa mismong araw ng elections doon sa lugar kung saan siya rehistrado ng Comelec.

Samantala, maaring sa buwan ng Enero na mararatipikan ang panukala dahil hindi na ito mahahabol sa huling araw ng session nitong hapon.

Ngunit tiniyak ni Pimentel na magiging epektibo na ang batas sa 2013 elections.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply