Acio sibakin, Vilma ibasura; bokya si Bishop Arguelles

burdado- jun briones

DISMAYADO si Lipa Archbishop Ramon Arguelles dahil inisnab siya ng kasamahang Catholic Bishops.

Sa 62 na obispo na kanyang inanyayahang sumugod sa Congress para mag “show of force” kontra sa RH bill, 2 lang ang sumagot.

Ang iba ay dedma!

Imbes na maghimutok si Bishop Arguelles, dapat siguro niyang isiping mabuti kung bakit binalewala ng mga obispo ang kanyang ideya.

Paalala lang po, Bishop Arguelles, baka nakalimutan mo na po ang protocol.

Baka naman ang dahilan nang pang-iisnab sa iyo ay dahil umaakto ka ng presidente ng makapangyarihang CBCP?

O kaya’y gusto lang irespeto ng mga obispo ang “separation” ng simbahan at estado!

Wala pong problema ang inyong pagkontra sa RH bill pero sana ay sa “pulpito” ninyo ilabas ang inyong hinaing at pag-dodoktrina sa inyong kawan.

Hindi ‘yong lulusubin ninyo ang Kongreso para lang maipakita ang inyong pagkontra!

Natatandaan mo pa ba si Carlos Celdran? Si Celdran, parekoy, ay Katolikong pabor sa RH bill kaya pumunta siya sa simbahan para ipakita ang kanyang paninindigan.

Pero ipinakulong at kinasuhan ng simbahan si Celdran!

Sa ganang akin, ang ayaw ninyong gawin sa inyo ay huwag ninyong gagawin sa iba!

-o0o-

SA Batangas ay talamak ang iligal na sugal na siyang dahilan kaya lumalala ang mga kaso ng pagnanakaw at kahirapan.

Ang masakit, parekoy, isinasabay na rin ng mga hinayupak na gambling lord sa Batangas ang paglalako ng shabu!

Pero kundi man patong ay inutil talaga si Provincial Director si S/Supt. Rosauro Acio.

Dahil sa halip na sugpuin ay lalo pang yumayabong ang nabanggit na iligal na gawaing ito sa lalawigan ng Batangas!

Ang masakit, “dedma” lang si Gov. Vilma Santos-Recto!

At kapag ang gobernador ay mistulang walang pakialam sa mga ganitong gawain, lalo lang nagiging pabaya ang PNP.

Lalo na parekoy kung patong pa sila sa mga iligal!

Patuloy nating mamanmanan itong mga iligal sa Batangas at hindi tayo magsasawa sa paglalathala sa kanila.

Dahil kung hindi talagang kikilos si “Ate Vi” ay dapat na siyang ibasura sa darating na election!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply