Actor umuwing puro galos ang mga braso, paika-ika kung lumakad

it's-a-secret

TAKANG-TAKA ang kanyang kasama sa bahay sa matangkad at mestisuhin na napakaguwapong aktor. No wonder na kay raming nagwa-water-water na mga maricona, matrona at kahit na kadalagahan rito.

Gulat na gulat nga ang kanyang kasamahan sa bahay kung bakit nagkaganyan ang hitsura nito na medyo may pasa at galos.

Nagkuwento ang aktor pero nagpabukas muna ng serbesa para mailahad niya ang kanyang kakaibang experience.

Siya daw ay may kasapin-sapin (meaning kakimbuhan) na isang may asawa sa isang exclusive na village. Ang husband yata ng mujer ay sa isang transportation company yata nagtatrabaho ayon sa kanya.

Nasa sukdulan na raw sila ng churvahan nang biglang may bumubusina sa harapan ng bahay ng mag-asawa.

Nataranta ang dalawa na baka sila maabutan ng husband ay napakalaking iskandalo o baka mabaril pa sila. Walang malulusutan ang ating bida kung hindi sa front door siya daraan at tiyak na masasalubong niya ang mister ng kanyang syobit.

Sa kalituhan ng ating bida, ang kanyang nadampot sa kama ay ang panty ng kanyang kaulayaw. Mabuti na lang at naibato muna niya ang kanyang mga shoes at damit pero ang underwear ‘di na niya naisuot sa pagmamadali at isinilid na lamang sa bulsa ng kanyang pantalon.

Humahagalpak ang kanyang kasama sa katatawa. Nagulat kasi siya na ang hawak ng aktor ay panty at hindi ang kanyang brief.

Kinabukasan, hindi nasipot ng aktor ang kanyang shooting hindi dahil sa mga pasa at galos kundi hindi siya makalakad nang tuwid, action scenes pa naman ang kukunang eksena.

-0-

ISA pang nakapanghihinayang na aktres ay itong si Katherine Luna. Ang galing-galing umarte ng young actress na ito ay kung bakit napabayaan ang kanyang movie career. Inuna muna kasi ang lovelife kaysa trabaho.

Kaya heto siya, lumilitaw/lumitaw sa showbusiness at kadalasang nagpapa-interview na kesyo babalik na siya sa kanyang naudlot na career at this time raw ay magsi-seryoso na siya. Harinawang totohanin na niya ang kanyang sinasabi. Ganyan rin ang narinig namin sa kanya noon, ‘di ba naman, Bert Manalo?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply