Agriculture Secretary: Super sipag, ibang makisama

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

Iba talaga itong Secretary of Agriculture natin na si Proceso Alcala – hindi lang over-achiever, magaling pang makisama. Bihira ang ganito kasi kadalasan sa mga over-achiever … aloof. Medyo isnabero at arogante kasi alam nila na magaling sila at inferior ang tingin nila sa ibang tao.

Pero si Sec. Procy … kakaiba talaga. Mapagkumbaba pa rin. Kaya nga siguro paborito ito ng mga naging Presidente ng ating bansa.

Magkasama kami sa Christmas Party ng Thursday Club sa Sollar Garden Café nu’ng Huwebes at nangako siya na susuportahan niya ang “A Safe Twinville” sa pamamagitan ng kanyang Urban Agriculture program kung saan sagot ng DA ang lahat ng buto, binhi, technical assistance sa pamamagitan ng mga tao nila na magtuturo sa mga tao kung papaano gagawin, atbp.

Basta sagutin lang daw namin ang mga lote para sa urban farms.  Wala namang problema sa amin ‘yon dahil gagamitin namin ang bakanteng lote para rito. Salamat sa tulong ni Alcala at ni Director Noel Reyes, mabibigyan ng livelihood ang mga taga-Twinville at magkakaroon pa ng pagkakakitaan ang Twinville Homeowners Association (THAI) na pandagdag sa pondo nito na pwede naming gamitin sa aming mga programa tulad ng sa security guards, gates, atbp.

Tiyak na matutuwa si Mayor Del de Guzman dito. Lalo na si Cong. Miro Quimbo dahil pandagdag ito sa Farmville ng Q Hydroponics demo farm na galing sa DOST.

Mapunta naman tayo sa usapin ng RH Bill.

Nakalulungkot dahil nag-aaway-away ang mga pamilya at magkakaibigan dahil sa mainit na usaping ito.

Pwede naman nating i-express ang ating paniniwala na hindi nangungutya o nang-iinsulto ng iba. Pareho namang guilty ang magkabilang panig sa pag-insulto ng mga taong iba ang paniniwala.

Dapat sana matuto tayo na respetuhin ang pananaw ng iba gaano man ito kalihis sa sarili nating paniniwala. Lahat naman tayo’y naniniwala na ang ating panig ang nasa tama sa mata ng Diyos – na tayo ang may alam kung ano ang gusto ng Diyos pag-dating sa RH Bill.

Sa totoo lang, saka lang tayo makatitiyak kung tayo ang tama o mali sa isyu ng RH Bill kapag tayo ay namatay at nasa harapan ng Diyos para tayo ay huhusgahan niya sa ating mga nagawang tama, nagawang mali, at mga ‘di natin nagawa na dapat nating ginawa.

Tanging Diyos lamang ang nakaaalam.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply