Air Passenger Bill of Rights epektibo na bukas

EPEKTIBO o ipatutupad na ang Air Passenger Bill of Rights bukas.

Sa ilalim nito, inoobliga ang mga airline company na bigyan ng kompensasyon at amenities ang mga pasahero gaya ng refreshments (meals), hotel accommodations at transportasyon patungo at paalis ng paliparan.

Sakop din ng kautusan ang pagbibigay ng garantiya sa karapatan ng mga pasahero laban sa mga umano’y madayang polisiya o panuntunan ng mga airline company.

Samantala, tiniyak ni Transportation Secretary Emilio Abaya ang kaligtasan ng mga pasahero na uuwi sa probinsiya para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.

Bukas na ipatutupad ng Department of Transportation and Communications ang 2012 Oplan Ligtas Biyahe Christmas. Makatutuwang dito ng DOTC ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Abaya, mahigpit silang magbabantay sa mga paliparan, pantalan at mga bus terminal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply