Akala nilayasan ng ka-live-in, kelot nagpatiwakal

crime6

WINAKASAN ng isang factory worker ang sariling buhay sa pamamagitan ng paglaslas ng pulso at pag-inom ng silver cleaner matapos layasan ng kanyang kinakasama sa Damata Letre Tonsuya, Malabon City, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktma na si Reymaldo Dela Cruz y Nadiza, 24, taga-Blk 2, Damata Letre ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Nauna rito, bandang alas-12:00 ng tanghali nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang biktima at ang ka-live-in partner nito na si Vickyline Brum na humantong sa pag-alis ng huli na pumunta muna sa mga kamag-anak sa Novaliches, Quezon City.

Kinagabihan bumalik sa kanilang bahay si Vickyline subalit nagimbal nang makitang patay na ang kinakasama.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad at inaalam kung may foul play sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply