Akyat-bahay, budol-budol muling sumalakay

TAGUIG CITY – PINASOK at pinagnakawan ng mga hinihinalang miyembro ng notorious na grupong “akyat-bahay” ang pamamahay ng isang dentista sa Vulcan Street, Group 2, Extension Palar, Brgy. Pinagsama Village ng naturang lungsod.

Kinilala ng mga awtoridad ng Investigation and Detective Management Section ang biktimang si Dr. Zenaida A. Castro na nagsabing nadatnan umano ng kanyang anak sira at halatang pinuwersa ang doorknob ng kanilang pamamahay kaya naghinala itong napasok sila ng mga kawatan.

Sa ginawang pagsisiyasat ng batang Castro sa kanilang kagamitan, natuklasan nitong nawawala ang lisensiyadong baril na pag-aari ng pamilya kasama na ang ilang mamahaling alahas at cash na sampung-libong piso.

Sa investigation theory ng mga kapulisan, may posibilidad walang naiwang tao sa loob ng pamamahay ni Castro kaya ito napasok ng mga kawatan.

Samantala, isang negosyante ang pinaniniwalaang nabiktima ng kilabot na “budol-budol” gang sa Camella Homes Commercial area, Brgy. Tuktukan, Taguig City noong Lunes din ng hapon.

Kinilala ng mga pulis ang biktimang si Elma L. Jondenero, 45, negosyante at nakatira sa Blk. 3 Lot 3 ng nabanggit na lugar.

Sa kanyang reklamo, sinabi nito na nawili siya at nadala sa matatamis na pananalita ng mga taong nagpakilalang sales agent ng ATC, isang uri ng kumpanya na distributor ng mga frozen foods kaya naisipan niyang magbigay ng pera sa mga ito kapalit ng mga idi-deliver na pagkain.
Nanlumo ang ginang at nagpasiyang magsumbong sa mga awtoridad ng ‘di sumipot sa kanilang usapan ang mga taong pinagkatiwalaan niya ng pera.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga pulis tungkol sa nasabing grupo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply