Akyat bahay kulong nang magising ang binibiktima

SWAK sa piitan ang isang miyembro ng akyat bahay nang magising ang ninanakawan sa Caloocan City kaninang madaling araw, Disyembre 8.

Nakilala ang suspek na si Jomar Lavyan, 22, ng Capri st., Amparo, Quezon City.

Sa pahayag ng biktimang si Mario Del Valley, 38, dakong alas-12:15 ng madaling araw, nagising siya sa pagtulog sa kanilang bahay sa General Luis, Caybiga ng lungsod nang makarinig ng mga kaluskos sa loob ng kanilang bahay.

Pagmulat ng mata ay nakita ang suspek na naghahalungkat na ng mga mananakaw na naging dahilan upang sigawan ng biktima.

Agad na tumakbong papalabas ng bahay ang suspek subalit hinabol ng biktima hanggang sa makihabol na rin ang mga nagising na kapitbahay na naging dahilan upang maabutan at madakip ang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply