Alisan ng pabahay ang mga pasaway?

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

ANG isang sakit ng ulo naming mga taga-Twinville ay ang pagtaas ng insidente ng krimen mula nang ginawang relocation site ang mga paligid naming komunidad tulad ng Tumana, Donya Petra, Balubad, Kabayani, at Camacho.

Ang mga dating tahimik na komunidad na ito ay nahaluan na nang mga pasaway galing sa Marcos Highway, sa tabing ilog sa bayan, atbp.

Ito ‘yung mga talamak pagdating sa snatching, holdap, akyat-bahay, droga atbp.

So, natural, matindi ang epekto nito sa katahimikan ng Twinville mula nang ilipat sila rito noong panahon ni Mayor Bayani Fernando nang wala man lang anomang safety nets para kami’y maprotektahan sa inaasahang pagtaas ng kriminalidad.

Dagdag pa riyan ang walang kuwentang batas ni Pangilinan para protektahan ang mga “Children in Conflict with the Law” (CICL) kaya’t mas lalong lumala ang peace and order situation sa aming lugar.

Alam niyo ba na ang mga magulang pa nitong mga menor de edad na tirador ang nag-uutos sa kanila para magnakaw at gumawa ng kalokohan sa lugar?

Paano … alam nilang hindi ito makukulong dahil sa batas ni Kiko.

Tuloy, ang mga dating pasaway ay andu’n na lang sa kanila – pakuya-kuyakoy, pahila-hilata, at painom-inom na lamang habang hinihintay ang kanilang mga anak na bumalik dala ang mga nadelihensya nila.

Isama mo pa ang mga “riding in tandem” na holdaper at snatcher na madalas umiikot para mambiktima at nakikita n’yo na ang laki ng problemang hinaharap naming mga tahimik na residente na nagbabayad ng buwis pero di naman maprotektahan ng batas.

Pero, may solusyon po tayo riyan para mabawasan ang insidente ng krimen na nanggagaling sa mga nakatira sa mga settlement sites ng Pamahalaang Lokal ng Marikina.

Tutal, bago pinatira ‘yang mga ‘yan diyan ay may kasunduan ang magkabilang panig. Example, bawal mag-alaga ng hayop, bawal magsampay sa labas ng bakuran, atbp. Kumbaga, conditional ang pagtira nila rito.

May kondisyon naman pala eh. Kung ganun, bakit ‘di rin natin ipagbawal sa mga nakatira rito ang paggawa ng krimen sa Marikina at kung sila ay makasuhan ay basehan ito para ma-forfeit nila ang karapatan nila sa lupa o bahay na inassign sa kanila ng Marikina Settlements Office?

Mahiya ka naman! Pinatira ka na sa bayan ng Marikina, bi-nigyan ka ng “rights” para manirahan sa settlement sites nito tapos gagawa ka pa ng kalokohan dito?

Sana magawan ito ng ordinansa ni Kon. Frankie Ayuson na chairman ng Peace and Order Council ng Marikina, mapasa sa konseho ni Vice Mayor Fabian Cadiz, at mapirmahan ni Mayor Del R. De Guzman.

Pag nagkataon, bababa ang krimen sa Marikina.

Naniniwala ka ba na kapag mawawalan ng pabahay ang mga pasaway ay magdadalawang isip sila bago gumawa ng kalokohan sa Marikina?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply