Alkalde sa Ilocos Norte, suspendido

ilocos-norte

SUSPENDIDO na ngayon ang alkalde ng Ilocos Norte dahil umano sa pagkakasangkot sa isinampang kasong administratibo.

Ang isang buwang suspensyon kay Mayor Vicky Aguinaldo ay isinilbi ng Sangguniang Panlalawigan ang Pasuquin, Ilocos Norte.

Nag-ugat ang naturang suspension sa kasong administratibo na isinampa ng grupo ni Vice Mayor Peter Felix Aguinaldo at ilang kasapi ng Sangguniang Bayan laban sa naturang alkalde, hinggil sa mga kuwestiyunableng proyekto sa bayan ng Pasuquin.

Ang implementasyon ng suspension order ay nataon naman sa Lantern Parade ng naturang bayan.

Sa ngayon ay si Vice Mayor Aguinaldo na ang acting mayor sa bayan ng Pasuquin.

Matantandaang noong Lunes, Disyembre 10, ay isinilbi rin ng Sangguniang Panlalawigan ang apat na buwang suspension ni Pagudpud Mayor Maja Sales dahil sa kinasasangkutang kasong administratibo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply