All-out investigation sa pagpaslang sa barangay chairman pinaigting

Lim, Chairman 2

INIUTOS ni Manila Mayor Alfredo Lim ang all out investigation sa naganap na pagpaslang sa isang barangay chairman kagabi sa Tondo, Maynila.

Nabatid na humingi ng tulong sa alkalde ang pamilya ng biktimang si Saturnino Grutas, 46, chairman ng Brgy. 101, Zone 8, Tondo, at nakatira sa Bldg., 25, Unit 2012 Vitas Tondo, Maynila.

Sinagot din ng alkalde ang pagpapalibing kay Grutas, kasabay ng direktiba kay Manila Police District Director Chief Supt. Alex Gutierrez na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa insidente.

“Hindi naman pupuwede `yun na ang mga barangay chairmen eh basta-basta na lang papatayin nang ganun-ganun lang. The perperatrors should be put behind bars and made to pay for their crime,” ayon kay Lim.

Base sa inisyal na impormasyon, paghihiganti ang motibo sa pag-aresto kay Grutas dahil ito umano ang nasa likod ng sunod-sunod na pag-aresto sa mga notoryus na holdaper sa lugar.

Ayon sa asawa ng biktimang si Emily, 44, walang alam ang biktima sa pag-aresto sa mga holdaper sa lugar pero may krusada ang biktima laban sa  lahat ng klase ng kriminalidad kabilang na ang holdap.

Nabatid na si Grutas ay pinagbabaril ng hindi nakikilalang suspek habang naglalakad papunta sa kanyang electronic shop.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply