Ambush sa Bulacan league of barangays prexy, iniimbestigahan

NAGSASAGAWA na ng malalim na imbestigasyon ang pamunuan ng Philippine Natiuonal Police (PNP) hinggil sa pananabang sa isang presidente ng liga ng mga barangay sa Bulacan.

Binubusisi na rin ng PNP kung may kaugnayan sa poolitika ang pananambang kay Bulacan provincial league of barangays president at Board Member Mark Cholo Violago.

Batay sa unang findings ng Bulacan PNP, nangyari ang pananambang kahapon ng hapon habang bumabiyahe si Violago sakay ng Starex van sa pagitan ng Plaridel at Balagtas sa lalawigan ng Bulacan patungo sa isang okasyon ng bigla siyang paputukan ng hindi pa kilalang mga salarin.

Sinabi naman ni San Rafael Vice Mayor Cipriano Violago, ama ng biktima, na dinala na nila ang anak sa St. lukes Medical Center at kasalukuyang nilalapatan ng lunas.

Sa kasalukuyan inaalam na ng awtoridad ang tunay na motibo ng pananambang. Isang testigo ang hawak na rin ngayon ng awtoridad na sinasabing magbibigay na tunay na impormasyon sa naganap na insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply