AMLC pasado na sa second reading

APRUBADO na sa ikalawang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na nagpapatibay sa Anti-Money Laundering Act.

Pangunahing may-akda ng House Bill No. 6565 sina House Speaker Feliciano Belmonte, Majority Leader Neptali Gonzales II at Minority Leader Danilo Suarez na naniniwalang mapapalakas nito ang batas kaalinsabay ng pag-amyenda sa Republic Act 9160 o Anti-Money Laundering Act of 2001.

Sa pamamagitan ng panukala ay maipapantay ang kasalukuyang batas sa updated at revised International Anti-Money Laundering o Counter-Terrorist Financing Standards.

Nakapaloob sa panukala ang paglilinaw sa kahulugan ng money laundering kabilang ang conversion, transfer, disposition, movement, acquisition, possession at paggamit ng nalikom na pera na labag sa batas gayundin ang pagtugon sa 1988 Vienna Convention at 2001 Palermo Convention.

Bukod sa nasasakop nito ang financial institutions, nakasaad din sa panukala na isama ang mga non-financial business at professions.

Kabilang sa mga sasakupin ng money laundering ay mga salaping ginagamit sa terorismo, human trafficking, sexual exploitation sa mga kabataan, katiwalian, panunuhol, palsipikasyon at environmental crimes.

Binibigyan din ng karapatan ang mga opisyal ng AMLC na magsampa ng civil forfeiture case sa oras na madetermina ang probable cause sa kaso.

Pinapahintulutan ng panukala ang AMLC na panatilihin ang 25% ng net proceeds mula sa mga forfeited assets at pagpapataw ng parusa o kasong administratibo sa mga mapapatunayang lumabag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply