Amo ninakawan, maid, pamangkin kulong

behind bars

KULONG ang isang kasambahay at pamangkin nito matapos pagnakawan ang amo sa Navotas, Biyernes ng tanghali (Disyembre 28).

Nakilala ang mga suspek na sina Rosario Pilapil, 28, ng Pescador St.; at Jayan Pilapil Peligro, 16 ng Daang Bangko, San Roque, kapwa ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali, nag-uusap ang magtiya sa labas ng bahay ni Allan Capili, 41 sa P. Gabriel St., Sipac-Almacen hanggang sa hinayaan ni Pilapil na pumasok si Peligro sa loob ng bahay ng kanyang amao.

Nagsilbing look-out si Pilapil hanggang sa makuha ni Peligro ang digital camera at cellphone ng amo ng tiyahin.

Sabay na umalils ang magtiya bitbit ang mga ninakaw subalit may nakakitang kapitbahay na siyang nagsumbong sa biktima.

Humingi ng tulong sa mga barangay tanod ang biktima at nadakip ang magtiya subalit hindi na nabawi ang mga ninakaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply