Anak, asawa sabit sa babaeng nakita sa trunk ng kotse

ANAK at asawa ang isinabit sa pagpatay sa babaeng nakitang patay sa trunk ng kotse sa Caloocan City.

Kasong parricide ang isinampa kay Jorge Jose Jorge Jr., habang obstruction of justice naman ang isinampa sa ama nitong si Jorge Jose Jorge Sr., 52, kapwa nakalalaya at mga residente ng Bravo st., North Matrixville, Camarin ng lungsod.

Sa record ng pulisya, dakong alas-5 ng hapon noong Nobyembre 28, 2012 nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Marilou Jorge, 49, sa trunk ng kanyang Honda Civic (CTF-103) na nakaparada ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay.

Nabatid na nangamoy ang kotse na naging dahilan upang sapilitan buksan hanggang sa makita ang bangkay ng biktima na halos naagnas na at may palatandaan na pinukpok sa ulo.

Dalawang kapitbahay ng biktima ang nagsabing nakita si Jr., na siyang nagparada ng kotse noong Nobyembre 27, dakong alas-3 ng madaling araw na naging dahilan upang maging pangunahin suspek.

Sinabi naman ni Sr., na iniwan niya ang kanyang asawa at anak sa loob ng kanilang bahay noong Nobyembre 27, 2012 kung saan kontra sa mga sinasabi ng mga saksi.

Kahapon ay sinampahan ng kasong parricide si Jr., habang obstruction of justice naman ang isinampa kay Sr., dahil halatang may itinatago o pinagtatakpan dahil sa maling pahayag na ibinigay sa mga pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply