Ang galing mo, Nonito

bong_padua1

PAGKATAPOS ng isang linggong sama ng loob, tayo’y  muling naging masaya dahil pinatulog ni Nonito Donaire si Mexican boxing legend Jorge Arce.

Kumbaga, nakabangon tayo sa sobrang kalungkutan. Kung paano nilasap ni Pacman ang pagkatalo kay Marquez, ganon ang ginawa ni Nonito kay Arce.

Dapat nating ipagmalaki si Nonito sa dangal na nakukuha para sa Pilipinas. Ang galing-galing mo. Ika nga ni Boy Abunda…Ikaw na!

Ikaw – bukod kay Manny -ang susunod na magdadala ng karangalan sa bayan ni Juan.

Ngayon pa lang bayani ka na Kay Mang Juan.

CARROTS AT PATATAS NAMAN!

Kaugnay ng walang humpay na laban sa smuggling, 3 40-footer container vans na illegally imported potatoes at carrots na nagkakahalaga ng P7.5 million ang nasamsam ng mga tauhan ni Commissioner Ruffy Biazon sa MICP.

Ang 2 sa 3 containers na nagkakarga ng mga patatas ay unang idineklarang household wares at naka-consign sa Marbatan Enterprises at Green Meadows Enterprises.

Ang isa namang refrigerated container van (reefer) ng fresh carrots at naka-consign sa Rorumen Agricultural Products ay unang idineklarang mga mansanas.

Hindi dumaan sa required Sanitary and Phyto Sanitary (SPS) Import Clearance mula sa Bureau of Plant Industry ng Department of Agriculture ang mga nasabing kargamento kaya iniutos ni Biazon ang pagsamsam sa mga ito.

Tama ang sinabi ng komis-yoner na hindi dapat mailagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng Filipino consu-mers sakaling maikalat ito sa merkado.

Kaya naman ‘di tumitigil ang BOC sa monitoring ng food at agricultural products importations lalo’t malakas ang demand nito ngayong holiday season.

Pero higit sa consumers, ang labis na natutuwa sa huling ito ng BOC ay ang mga kababayan nating magsasaka.

Ikalulugi na naman ng ating farmers kung nailusot ang mga nasabing patatas at carrots galing sa ibang bansa. Salamat na lang at alerto itong grupo ni Biazon.

Sa ika……th pagkakataon, ang masasabi natin eh…good job Commissioner Biazon!

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply