Ang mga pulitikong ang pakay ay serbisyo publiko

pulso-dens legaspi

GINUGUNITA ngayong araw ang ika-8 taong anibersaryo ng pagkamatay ni “Da King” Fernando Poe Jr.

Parang kailan lang, nung ang inyong lingkod ay pursigidong tumulong sa pangangampanya para sa kandidatura ng ating tinaguriang “King of Philippine Movies.”

Kung hindi nga lang biglaang binawian ng buhay si Ginoong Poe, malamang ay naging iba ang takbo ng kwento ng ating kasaysayan. Ganun siguro talaga kapag hindi mo kapalaran, at nakialam na ang tadhana na nakatakda sa ating lahat.

********

Matatandaang sa araw din na ito, apat na taon na ang nakalipas, nang tangkaing batuhin ng sapatos ng isang miyembro ng local media si dating US President George W. Bush nung bumisita sa bansang Iraq para sa isang bilateral meeting sa mga pinuno doon.

Masuwerteng nakaiwas si Bush sa naturang pambabato subalit hindi na niya nakuhang mapanumbalik ang kumpiyansa at tiwala ng mga taga Amerika sapagkat nabigo nitong maipanalo at maipaluklok ang kapartido at dating Republican candidate John Mc Cain noong 2008 elections.

Matatawag ba natin itong karma? O baka naman simpleng korus lang ng mga mamamayang nais ng pagbabago.

*******

Kaugnay pa rin ng US presidency, ngayong araw din inaalala ang ika-213 taong pagkamatay ni George Washington, ang kinikilalang “Ama ng Bansang Amerika.”

Sa buong kasaysayan ng Estados Unidos, tanging si Washington lamang ang nakapagkopo ng buong boto ng “electors.” Ibig sabihin, 100 percent ang nakuha nitong pag sang-ayon mula sa 69 “electoral college” nung tumakbo ito sa pagkapangulo noon.

******

Nauso na naman ang paglutang ng iba’t-ibang surveys para sa mga tumatakbong senador sa susunod na taon.

Suriin maigi ang mga kwalipikasyon at mga nagawa ng mga kakandidato, hindi lamang ang pinangangalandakang “winnability” at “popularity.”

Sapagkat sa bandang huli, dalawang bagay lang naman ang maari nating sapitin: ang mapabayaan na naman ng mga maiuupong trapo; o mapagsilbihan ng husto ng mga pulitikong ang pakay ay serbisyo publiko.

******

Bukas po ang inyong lingkod sa anumang hinaing, reklamo o komento. Maaaring mag-email lamang sa pulsonyo@gmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply