Ang RH bill at doktor vs Diyos

benny antiporda

KAPAG minadaling tapusin ang RH bill sa Bicameral Conference Committee o Bicam ng Kongreso, anomang araw ay magiging batas na ang panukala.

‘Yan ay kung pipirmahan na kaagad ni Pangulong Noynoy Aquino ang panukalang batas.

Ang Bicam ay samahan ng mga kongresman at senador na magpaplantsa ng anomang gusot o diperensya sa mga bersyon ng Kamara at Senado.

Karaniwang iiral o magiging epektibo ang batas 15 araw makaraang mailathala ito sa Official Gazette o pahayagang may pambansang saklaw at kung mayroon nang nakalatag na Implementing Rules and Regulations.

May mga batas na matagal bago iiral dahil sa kawalan ng IRR na yan.

MADIDISKARIL

Pero may balak yata ang mga anti-RH bill na pigilin ang pag-iral o implementasyon ng batas sa pamamagitan ng paghiling nila ng Temporary Restraining Order laban dito.

Kalakip nito ang petisyon nila na ibasura ng Supreme Court ang batas sa iba’t ibang kadahilanan gaya ng paglabag nito sa Konstitusyon o iba pang mga umiiral na batas.

MATAGALANG TRO AT DESISYON

Kung pagbibigyan ng Supreme Court ang kahilingang TRO ng mga anti-RH bill, walang nakaaalam kung gaano katagal ito.

Kung maalaala ninyo, ang Anti-Cyber Crime Law ay pinatawan ng anim na buwang TRO.

Maaari ring magtagal ang TRO hanggang sa magkaroon ng pinal na desisyon ang Hukuman.

Kung ito ang magaganap, siyam-siyam ang aabutin ng batas bago ito maimplementa.

‘Yan ay kung papabor ang Hukuman sa RH bill.

Siyam-siyam ang implementasyon dahil sa tagal ng Hukuman sa paggawa ng desisyon.

Baka papantay pa ang panahon ng pagdedesisyon sa paggawa ng desisyon sa  Vizconde massacre na inabot ng halos 20 taon mula sa regional trial court hanggang sa Supreme Court.

MALAWAKANG PAGBABAGO

Kung mapairal nang mabilis ang batas, magkakaroon kaagad ng malawakang pagbabago.

Lalo na sa usaping pagkakaroon ng mga anak.

Batay sa mga salita ng mga pro-RH, sa dami ng mga condom, pills, IUD o intrauterine device at iba pang pamigil sa pagbubuntis na ikakalat sa mga barangay, magkakaroon kaagad ng kabawasan ng mga buntis na naglalakad sa lansangan.

Balak kasi ng gobyerno na gawing libre ang pamamahagi ng mga piling gamit laban sa pagbubuntis.

Lalo na sa hanay ng mga mahihirap na pamilya na sinasabing “libangan na lang ang paggawa ng bata.”

Hehehe!

VASECTOMY AT LIGATION

Baka pa nga magkaroon din ng malawakang kampanya para sa vasectomy at ligation
gaya ng ginawa noong martial law.

Hindi makabubuntis ang lalaki sa pamamagitan ng vasectomy dahil sa pagputol o pagtali ng daluyan ng kanyang semilya.

Ganundin na hindi mabubuntis ang babaeng pinutulan o tinalian ng daanan ng semilya.

Kahit pa may mga balita na may natepok dahil sa vasectomy at ligation.

Maalaala natin na may pabuya na P50 sa bawat pasyente ang sinomang makapagdadala ng sasailalim sa vasectomy at ligation.

HINDI NA USO ANG DIYOS

Isa rin sa mabilis na magbabago ang paniniwala sa pagbubuntis.

Darating ang araw na hindi uso ang salitang “gusto ng Diyos” o “bigay ng Diyos” ang pagbubuntis o ‘di pagbubuntis.

Lahat na ay sinadya at ang diyos diyan ay ang mga may katawan.

Itatakda na ng mag-boypren o mag-asawa ang kanilang pagkakaroon ng anak at bilang ng mga ito.

Hindi na sila kailangan na komunsulta o magdasal sa Diyos para magkaroon o hindi ng baby.

DOKTOR VS DIYOS

Mas epektib pa ang mga doktor, nurse, midwife at pharmacist na consultant at pagdasalan kaysa Diyos sa usaping ito.

Ikakatwirang ng marami, hindi naman sumasagot ang Diyos kung kinakausag ito.

Kung ang mga sugo ng Diyos na mga pari at madre naman ang kokunsultahin, baka walang mapapala ang mga magpa-partner dahil wala nang asawa at anak ang mga pari at madre, kontra pa sila sa RH.

Hehehe!

Baka puro confession at pagrorosaryo lang ang ituturo at ipagagawa sa mga ito, sabi nila.

NAKATATAKOT

Alam ba ninyong marami ang bahay ngayon na may mga itinatagong condom?

Mas darami pa ang mga condom at iba pang pamigil sa pagbubuntis sa pag-iral ng batas.

At hindi na lang ang mga mag-asawa at may edad na matututo sa paggamit sa mga ito.

Ang mga bata sa kanilang birthday ay ginagawang lobo ang mga condom.

Pero paglaki-laki ng mga ito at dumarating na sa edad ng panliligaw, nakupo, marami ang mag-eeksperimento. sa sex.

At magkakaroon sila ng lakas ng loob na maglihim sa kanilang mga magulang dahil kahit saan ay magkakaroon ng sila ng gamit sa safe sex.

Eh kung sasabihin nila na mas masarap ang walang kapote.

Diyan na magkagewang-gewang ang buhay ng mga kabataan.

ABORSYON KAILANGAN

Pag may nabuong bata at hindi handa ang mga kabataan sa “responsible parenthood”, maghahanap ang mga yan ng aborsyon.

Meron ba sa RH ang sagot dito?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply