Angara umapela sa pangangailangan ng kababaihan

rep.-sonny-angara

UMAPELA si Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara sa administrasyong Aquino na unang isaalang-alang ang karapatan at kapakanan ng kababaihan sa mga panahon ng sakuna tulad ng pinsalang dulot ng Bagyong Pablo.

Kabilang ang mga komprehensibong karapatan ng kababaihan sa Magna Carta of Women o ang Republic Act 9710 na pangunahing inakda ni Angara.

Partikular na tinukoy ni Angara ang Sec. 10 ng batas ukol sa karapatan ng kababaihan na maprotektahan at mabigyan ng seguridad sa mga panahon ng sakuna, kalamidad, at sitwasyon ng krisis sa lahat ng yugto ng pagtugon ng gobyerno tulad ng relief, recovery, rehabilitation, and construction efforts.

“Sa oras ng sakuna, mas may mahigit na pangangailangan ang mga babae at bata. Madalas na nababalewala ang kanilang kaligtasan, ang kanilang privacy. May mga nangyayari rin na pang-aabusong sekswal at pisikal dahil sa naliligalig na ang mga komunidad,” sinabi ni Angara.

“Totoong mahirap at mapanganib ang relief and rescue efforts. Pero kahit na ganu’n, dapat na ibigay pa rin sa mga babae at bata ang kanilang mga batayang pangangailangan at dapat na protektahan sila laban sa trauma,” ayon pa rin sa kongresista.

Kamakailan ay nangampanya ang pamahalaan na may temang “Violence Against Women-Free Society in Times of Peace, Conflict and Calamity” na naglalayong itaas ang antas ng kamulatan ng publiko tungkol sa mga karahasan sa kababaihan sa mga sitwasyon ng krisis para masuportahan ang mga babaeng victim-survivor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply