Angeline Quinto may problema sa kidney?

angeline-quinto-1

SA SUSUNOD na taon ay pagtutuunan na ng singer-actress na si Angeline Quinto ang kanyang kalusugan.

Ayon kay Angeline sa isang panayam, masyado siyang busy ngayong taon at inamin na may katigasan rin ang kanyang ulo kaya hindi masyadong natututukan ang kanyang kalusugan.

Inispluke ng singer sa nasabing interview na kanyang ipasusuri sa doktor ang kanyang kidney.

“Medyo talagang nagkakaroon ako ng karamdaman sa kaliwang tagiliran ko, madalas na ito. So natatakot ako. Sinasabi nila na parang sa kidney nga. Eh mahilig pa naman ako sa maalat,” ayon sa singer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply