Anti-RH bill groups, nagpasaklolo sa Santo Papa

Pope-Benedict-XV!

NAGPASAKLOLO na kay Pope Benedict XVI ang mga grupo na kontra sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Ginawa ng anti-RH bill groups ang kanilang pagsaklolo sa Santo Papa matapos na maipasa sa 2nd reading ang botohan sa naturang usapin kung saan 113-104  ang naging boto.

Nanawagan ang grupo ng mga anti-RH bill sa pamamagitan ng Twitter na kasamang ipanalangin ang Pilipinas na ngayon umano ay nahaharap sa “spiritual battle” kontra sa RH bill.

Kaugnay nito, hayagan namang inakusan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Malacañang na umano’y nasa likod sa pag-pressure sa mga kongresista para suportahan ang panukalang batas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply