Anti-RH congressmen nanlilito lang – Tañada

PANGLILITO lamang ang ginagawa ng mga anti-RH congressmen nang sabihin ng mga ito na handa na silang bomoto ngayong hapon.

Sinabi ito ni House Deputy Speaker Erin Tañada matapos kumpirmahin ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na may sapat na bilang ang anti-RH sa bilang na 120 na kongresista.

Sinabi ni Rodriguez na bukod sa 120 na talagang tutol sa kontrobersyal na Reproductive Health bill ay meron  pa aniyang 48 na undecided.

Ngunit giit ni Tañada na kung talagang may sapat na numero ang anti-RH ay bakit nito hinaharang ang botohan sa plenaryo.

Tiniyak naman ni Deputy Majority Leader Janet Garin  na sapat ang suporta sa RH-bill dahil ito aniya ang sagot ng administrasyon sa lumalalang kahirapan sa bansa.

Samantala, umaga pa lamang ay nagsimula nang mag-vigil at magsagawa ng programa sa harapan ng Batasan Complex ang mga grupong nagsusulong ng RH bill.

sa harap ito ng inaasahang botohan ngayong hapon sa plenaryo sa kontrobersyal na panukalang batas.

Nagkabit sila ng mga purple ribbons sa bakuran ng Kamara at nagbigay rin ng mga ribbons at  mga bulaklak ang mga mambabatas  na pumapasok sa kamara.

Ang mga tutol naman sa RH bill ay pinag-kampo sa North gate ng Batasan na kinabibilangan ng mga pari at sakristan ng simbahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply