Apat patay sa masaker sa Cagayan

crime-scene-4

PINAGSASAKSAK hanggang sa mamatay ang apat na miyembro ng pamilya sa Gattaran, Cagayan.

Kinilala ni P03 Manuel Diaz, Jr., ng Gattarran PNP, ang mga pinaslang na sina Danny at Reymalyn Baguiwang, at mga anak na sina Reydan, 5-anyos, at Reymond, 1-anyos, na pawang residente ng Barangay Mabuno sa bayang nabanggit.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa ring ideya ang kapulisan kung sino at kung ano ang motibo sa likod ng karumal-dumal na krimen.

Pero sa kabila nito, naniniwala naman ang kapulisan na may malaking galit ang suspek kaya ikinasa ang masaker laban sa pamilya Baguiwang.

Sa ulat, noong nakaraang Disyembre 3 ay nagtungo sa lugar ang isang nagngangalang Renato Bitanga, upang anihin ang kanyang mga pananim na palay.

Pero laking gulat nito nang makita ang isang hita ng tao na may tumutulo pang dugo na nakabitin sa pintuan ng bahay ng mga biktima.

Kinutuban, pumasok si Bitanga sa naturang bahay at tumambad sa kanya ang apat na bangkay na ang isa ay pinutulan ng mga hita.

Ipinagbigay alam agad ni Bitanga ang nakita sa isang barangay tanod na si Dionisio Ganoot na siya namang nag-report kay Brgy. Captain Macario De La Cruz gayundin sa awtoridad.

Sa salaysay ni Ganoot, may marinig siyang kakaibang ingay sa bahay ng Baguiwang family at panay pa ang kahol ng mga aso pero sa pag-aakalang nag-aaway lamang ang mag-asawa ay hindi na niya ito pinakialaman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply