Arce bagsak kay Donaire

TINAPOS agad ni Nonito Donaire ang laban sa 3rd round pa lamang  nang patumbahin si five-time world champion Jorce “Travieso” Arce sa kanilang laban sa Toyota Center, Houston, Texas sa pamamagitan ng kanang suntok sa panga.

Unang pinatumba ni Donaire sa second round ang future Hall of Famer na si Arce sa pamamagitan ng solid left hook.

Bagama’t tinangka ng Mexican boxer na bumawi mula sa unang knockdown, muli siyang binigo ni Donaire na makapasok sa depensa.

Tinangka pa ni referee Lawrence Cole na bilangan si Arce subalit hindi na ito nakabangon.

Sinabi ni Donaire na iniaalay niya sa mga kababayang nasalanta ng bagyo sa Eastern Visayas at Mindanao ang malaking panalo.

Itinuturing namang “bawi” ng mga Pinoy ang panalo ni Donaire matapos ang masaklap na pagkatalo nitong nakaraang Linggo lamang ni 8-division world champion Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply