Arestadong ASG sa kidnapping sa Jehovahs Witnesses, isinailalim sa reinvestigation

POSITIBONG itinuro ng mga biktima na miyembro ng Jehovah’s Witnesses ang walo mula sa dalawampung hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf group na  siyang dumukot sa kanila sa Patikul, Sulu nuong Agosto taong 2002 ang positibong itinuro ng mga biktima na may kinalaman sa nasabing krimen.

Sa idinaos na reinvestigation sa Department of Justice kahapon sa kasong kidnapping for ransom, kinilala ang mga suspek na sina Jumlie Orie,Jul Ahmad Ahadi Julman,Arabi Muin Ladja,Sonny Boy Barahim Abdulwahab Hamja,Mujibar Alih Aman,Julhasan Jaani at Absar Manghabong Asim

Ang mga suspek na ibiniyahe mula sa Camp Bagong Diwa patungo sa DOJ ay gwardiyado ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology.

Ang reinvestigation ay kasunod na rin ng utos ni Judge Toribio Ilao Jr. ng Pasig Regional Trial Court Branch 266.

Naniniwala si Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, Chairman ng Task Force on Anti-Terrorism, na may merito ang reinvestigation nang sa gayon ay mailigtas mula sa pag-uusig ang mga wala talagang kinalaman sa kaso.

Nabatid kasi na sa isang mandamyento de aresto na nakapangalan sa isang tao, tatlo ang dinakip ng mga pulis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply