Armagedon malayo pa – NASA

SINIGURO ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na hindi totoo ang mga balitang kumakalat na magugunaw na ang mundo ngayong Disyembre.

Nagsimula ang prediksyong magugunaw ang mundo matapos madiskubre ng mga Sumerians ang planetang pinangalanang “Nibiru.”

Ayon sa mga Sumerians, tinutumbok nito ang direksyon ng mundo at tatama umano ito noong Mayo 2003.

Gayunman, 2012 na ngayon at hindi pa rin nagugunaw ang mundo.

Inilipat ang petsa ng pagkagunaw sa Disyembre 2012 na ikinabit sa umano’y pagtatapos ng kalendaryo ng mga Mayan sa winter solstice o Disyembre 21, 2012.

Ayon sa NASA, ang pagtatapos ng kalendaryo ng Mayan sa Disyembre 21 ay katulad lang ng pagtatapos ng ating kalendaryo sa Disyembre 31.

Hindi umano ito nangangahulugan na tapos na ang panahon kundi hudyat ng pagsisimula ng panibagong bilang sa kalendaryo.

Sa pamamagitan ng isang fact sheet at video, isa-isang sinagot ng NASA ang mga katanungan kung bakit hindi totoong magugunaw na ang mundo.

Una, wala umanong bantang nakikita ang mga siyentipiko sa ating mundo.

Hindi rin umano totoong mag-a-align ang mga planeta ngayong Disyembre.

Wala rin umanong anumang meteor o matinding solar storm na magdudulot ng pinsala sa mundo.

Matatandaang nagkakagulo na ang iba-t ibang sekta sa buong mundo, kung saan ang iba ay nagpaplano pa ng mass suicide upang hindi umano abutin ng Armagedon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply