Armstrong hilahod na naman

PANIGURADONG malungkot ang Pasko ni Lance Arnstrong dahil sunod-sunod ang pagbawi sa kanyang mga awards at tropeo sa mga napanalunan niya sa pagbibisikleta.

Nasimot na ang mga naka display sa kanyang cabinet matapos bawiin na rin ang prestihiyosong BBC award sa American cyclist dahil sa kinasasangkutang doping scandal.

Nauna ng nabawi kay Armstrong ang pitong Tour de France titles dahil sa paggamit nito ng droga.

Nabigyan si Armstrong ng British broadcasting organization ng Overseas Sports Personality of the Year award noong 2003 matapos angkinin ang kanyang huling Tour subalit binura na ang kanyang pangalan sa listahan ng mga dating nanalo ng pagkilala sa program ng 2012 event.

Idinawit ng US Anti-Doping Agency report noong Oktubre na si Armstrong at ang kanyang mga teams ay sangkot sa garapalang drugs program.

Bukod sa pagbawi ng mga awardsay nabahiran din ang kanyang repurasyon.

Si Armstrong at ang kanyang mga kasamahan ay na ban ng habambuhay sa cycling.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply