Atty. Berberabe matagumpay na naisulong ang Pag-IBIG Fund

Game changer and PAG-IBIG Executive Officer Atty. Darlene Marie Berberabe ay naging matagumpay sa pagsusulong ng mga programa at pangunahing pagbabago. Mabisa niyang naipababatid sa mga kaanib ng state-run Pag-ibig Fund.

Sa patnubay ng kanyang pagpapahalagang pansarili, na nagtatrabaho ng mabuti kalakip ang pagpapakumbaba, integridad at pagka-mataas na uri ng lahat na may kaugnayan sa kanyang gawain, ay sinisiguro niya na ang mga sagot ng mga kaanib sa anumang hinaing nila na may kaugnayan sa Pag-ibig Fund ay titingnang mabuti at bibigyan ng malawak na konsiderasyon.

Ang kanyang mga estratehiya at pamamaraan ay nais niyang maibalik sa kinauukulan sa madaling paraan. Naniniwala siya na walang ibang mabuting paraan para maipakilala ang pag-ibig fund sa tao kundi ang pagseserbisyo ng pag-ibig sa pinaka-mabuting paraan, ito ay ang Pag-ibig Way of Service.

Pinangunahan niya ang pakikilahok ng Pag-ibig Fund sa Pabahay Caravan noong nakaraang taon, sa pamamagitan ng paglilibot sa mga rehiyon ng bansa dala-dala ang mensahe para sa halos 1,000 lokal na punong ehekutibo upang ibenta ang naturang programa.

Ang pangunahing prinsipyo sa likod ng caravan ay upang gawing aktibong katuwang ang mga Local Government Units (LGUs) na resolbahin ang housing backlog ng bansa. Sa ngayon, may 29 nang LGUs ang nabuhay na ng proyekto samantalang 162 pang LGUs ang nakaabang para sa mga proyekto. Sa ganitong kaganapan ay inaasahan ang pagkakaroon ng karagdagang 14,601 pang housing units.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply