Atty. Theodor Te, bagong tagapagsalita ng SC

supreme-court-of-the-philippines

ITINALAGANG bagong tagapagsalita ng Korte Suprema si Atty. Theodor Te.

Ito ay kabila ng ipinapatupad na dignified silence sa Kataas-taasang Hukuman.

Ang announcement ng pagkakatalaga ni Te sa posiyon ay ihahayag umano ni SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa darating na Christmas party ng PIO para sa miyembro ng media kung saan pinalitan nito si acting PIO chief Atty. Gleo Guerra.

Kilala si Te bilang pro-bono human rights lawyer ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at dating legal counsel ng UP system at kaibigan ni Associate Justice Marvic Leonen na kapwa naman nagmula sa University of the Philippines.

Una nang itinalaga ni Sereno si Ateneo School of Government Dean Antonio La Viña bilang PIO consultant upang lalong palakasin ang information office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply