Ayala isasara para sa New Year countdown

ISASARA ng Makati City ang dalawang pangunahing kalsada nito sa distrito ng kalakalan simula sa Sabado, Disyembre 29, bilang paghahanda sa taunang salubong sa Bagong Taon.

Sa advisory na ipinalabas ng lokal na pamahalaan ng Makati, ang rerouting ay magsisimula dakong alas-12;01 ng umaga sa Sabado. Sa Ayala Triangle sa panulukan ng Ayala at Makati Ave. gaganapin ang pagbibilang ng mga nalalabing oras ng 2012 at pagpapalit ng taon.

Sa kalatas o advisory ay nakasaad na “lahat ng direksyon ng Ayala Ave. mula Paseo de Roxas hanggang Parkway Drive at Makati Ave. mula De la Rosa St. hanggang Paseo de Roxas ay isasara sa mga motorista para sa itatayong entablado, mga gagamitin sa pagdiriwang at mga paputok na ihahanda. Ang rerouting ay tatagal hanggang Enero 1,2013.

Ang mga bus na galing Edsa ay maaaring gamitin ang Buendia Ave o Sen. Gil Puyat Ave patungong Pasay o sa Osmena Highway at ganun din naman ang mga biyaheng pabalik sa mga nabanggit na lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply