Ayaw pang mag-settle down pero nag-bonding to-the-max na sa Hongkong!

GALING sa ilang araw na bakasyon kaya naman parang refreshed ang dating ni Heart Evangelista nang makakwentuhan namin recently.

Maganda ang kanyang mood, masaya, at mukhang inspired talaga.

“Nag-enjoy ako,” aniya. “Nakapag-relax ako kahit papano. Kasi starting next week, everyday na ang work ko, e.

“MWF (Monday, Wednesday, and Friday), may taping na ako para sa bago kong soap. Tuesday, Thusday, and Saturday naman, may shooting ako para sa movie naman na Sossy Problems. And then Sunday, Party Pilipinas.

“Do’n sa soap, I think makakasama ko si Geoff Eigenman. Mag-story conference na kami for it. Balik-drama na naman ako.

“Medyo hectic na hectic na ako this time around. So… nakapagbakasyon ako.

“Pumunta kami ni Chiz sa Hongkong. And nag-enjoy naman kami roon.

“Nakapunta rin kami ng Macau ng isang araw. Pero balikan lang. May tiningnan lang ako. Gano’n lang… tingin-tingin. Ganyan.”

‘Yong nasabing ilang araw na bakasyon nila ay naging masayang bonding moments nga raw nila ni Senator Chiz.

“Bonding talaga na… getting to know you to the next level. More to the next level ang aming getting to know.

“Dalawang lang kami. Oo.

“First time ko na lumabas sa ibang bansa with him. And, uhm… kasi siyempre importante rin na makalabas naman ako. E siya rin busy rin ang schedule niya.”

Bakit sa Hongkong nila naisipang magbakasyon?

“Kasi iyon ang pinakamadaling puntahan, e. Malapit lang. Ang daming mapapasyalan. Maganda ‘yong weather. May mga kabigan rin kami roon.”

Did she go shopping also sa Hongkong?

“Tama lang. Hindi ako masyadong nakapag-shopping. Kasi nag-iipon ako these days.

“Gusto kong magpatayo ng bahay. So… tama lang ‘yong shopping. Pero more of kain, ganyan.”

Bakit niya naisipang magpatayo ng bahay?

“Actually, hindi city house. Gusto ko ko, bahay-bakasyunan. Do’n na lang siguro sa Cavite kung saan nasunog ‘yong bahay namin.”

Nasabi nga niya, to the next level na ang getting to know each other stage o bonding nila ni Senator Chiz. Ano ang ibig sabihin no’n?

“Kasi when you travel kasi, you get to know each other more. Di ba?
So… ‘yon.

“Nakilala ko naman siya more. And wala namang difference.

“Kasi hindi naman ako nagpapanggap. Hindi rin naman siya nagpapanggap. And so… wala namang difference.

“Pero nag-enjoy ako.

“Maalaga kasi talaga siya, e. Siguro dahil I think he’s older.

“Tapos ako younger. So may pagkapabandying-bandying ako nang konti.

“Kasi ano ako, e… I’m very sheltered, kumbaga.

“Pero… ang dami kong natutunan. Nag-walking-walking kami here and there. Ganyan.

“But more or less, it’s the same lang naman.”

Naiisip na ba niya ang tungkol sa pagsi-settle down sa panahong magkasama sila ni Senator Chiz sa Hongkong?

“Oh, my gosh!” natawa si Heart. “Huwag muna. Wait! Masyado pang maaga para maisip ko ang tungkol do’n.”

‘Yon na!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply